Monday, August 16, 2010

"artista-artista "artista ka ba ?

Si Rufa Mae Quinto kilala nating bilang isang komedyante, actress at host. Ang kinaiinis ko lang sa kanya yung mga bagay na ginagawa nya na hindi na nakakatuwa, alam naman natin na komedyante siya kaya sya nagpapatawa pero minsan corny na yung mga joke at reaction niya tulad ng “to the highest level” at ”todo na to” naiins talaga ko pagnariring ko yung mga salita na yun ang corny-corny tapos minsan nasosobrahan na yung mga nasasabi niya, kaya minsan nakakasait na pala siya ng tao ng hindi niya alam kahit dinadaan niya pa ito sa biro. Ang isa ko pang kinaiinis sa kanya ay yung pagsusuot niya ng maiiksi, minsan sa sobrang iksi na nito ay parang wala na siyang gusto na itago sa kanyang katawan. Oo alam natin na makinis yung balat niya at maputi pero hindi naman niya dapat ito ipangalandakan pa sa mga tao, sa pamamagitan ng pagsuot ng mga maiiksing damit at short. Hndi naman sa kinukotra o yung fashion ni Rufa Mae ang sakin lang kung magsusuot siya ng mga ganung kabongga na mga damit dapat nasa lugar. Halimbawa na lang ng pagsuot niya ng maiksi na short dapat nasa lugar at panahon. Kasi hindi natin alam yung ibang tao pala binabastos na siya ng hindi niya alam. Kahit minsan naiinis ako kay RUFA MAE QUINTO concern pa rin ako sa kanya o nag-aalala pa rin ako sa kanya bilang isang kapwa tao.

Isinulat ni: Arienda, Jane Q.

No comments:

Post a Comment