Friday, August 13, 2010

Asar ka!! Badtrip ka eh!!

       Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagkukuwento ko tungkol sa kinaiinisan kong artista. Eh kasi iniisip ko pa lang ang pangalan niya ay na aasar na ako hahaha!! buwiset!! Ang tinutukoy kong artista ay walang iba kundi si Baron Geisler. Asar na asar ako sa mga katulad niya. Sobra kasing bastos niya at my pag ka ignorante pa. Kay kadalasang nakakasakit na siya ng damdamin ng ibang tao lalo na ang damdamin ng mga kababaihan. Patunay na dito ang mga babaing ng sampa ng kaso laban sa kanya. Kabilang dito sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete at ang anak ni Yayo Aguila na si Patricia Aguila. Ayon sa interview kay Yasmien ng isang reporte ay hinipuan siya nito habang sila ay kasalukuyang ng shoshoot ng kanilang teleserye. Sabi naman ni Julia Clarete ay binastos daw siya nito habang sila ay nasa isang party. Kahit na magkaibigan sila ay nagawa pa rin nitong bastusin ang naturang aktres.Hindi rin siya nakatakas sa pag sasampa ng kaso ni Patricia dahil ayon dito dy hinipuan daw siya nito sa isang bar dahil daw ito sa sobrang kalasingan ni Baron. Eto pa pala ang isa niya pang ugali na kinaiinisan ko. Sobra siyang uminom ng alak at nawawalan na siya ng kontrol sa sarili niya. Madalas din siyang masangkot sa mga brawl fighting. katunayan dito ang dalawang paklat sa kanyang mukha na nakuha niya sa pakikipag away.
       Pero sa kabila nito ay madai pa rin namang sumusoporta sa kanya. marami pa din siyang mga project. humahanga din sa kanya dahil sa magaling niyang pagbibigay buhay sa mga karakter sa ilang teleserye. Na bigyan niya din ng magandang interpritasyon ang kanyang karakter sa isang independent film. Nag kamit siya dito ng parangal bilang "best actor" ng 4th Cinemalaya Independent Film Festival. 

  • Isinulat ni: Ramos, Angelo T.

No comments:

Post a Comment