Tuesday, August 17, 2010

Kris Aquino Kris Aquino Kinaiinisan Ko

Deal or no deal yan si Kris Aquino-Yap para sa akin, ay!!! wala na palang Yap.
Noong una perpektong babae ang tingin at pagkakilala ko kay Kris hindi dahil sa maganda , matalino, mayaman at kabilang sa angkan ng kilala at respetadong pamilya... anak ba naman na bunso ng kauna- unahang babae na nanungkulan bilang presidente ng Pilipinas. Basta, nagbago nalang ang tingin ko sa kanya noong ako mismo nababalitaan at napapanood ko ang mga kontrobersiya tungkol sakanya o kaya naman yung mga nakasangkutan nyang balita na para sa akin ay nag karoon ng hindi matanggal na mansta sa pagkatao ni Kris at iniingatang pangalan... Iniingatan nga ba? Walang kokontra... Sagot ko HINDI..
Isa lang ang gusto kong bitawang salita sa tanong na bakit ko siya si "Kris Aquino" ay kinaiinisan kong artista... IRESPONSABLE sya.
Kailangan ko pa bang isa- isahin kung bakit, huwag nalang masyadong madami ee.. Nakakatamad lang. May mata, tainga, at bibig ang nakakarami bahala na kayong humusga. Ako bilang isang manonood, tagapakinig, tagabasa at syempre tao nakakatamad lang syang pag usapan kasi kinaiinisan ko siya, ganon kasi ako kapag inis. Tahasan ko mang sinasabi... Don't judge the book by its cover, pero paano na kung wala na syang cover. God patawarin mo po ako sa pinagsasasabi ko at ginawa ko, sana po maintindihan nyo proyekto lang sa Filipino...Tsaka si Kris naman halos ang gumagawa ng nakakasira sa sarili nya at sa pamilya nya.
Bagay nga sakanya ito, "Kris Aquino, puno ka ng isyu siguro naman sanay kana dito"... Kaya tanong ko lang sa nakararami totoo kaya na si Kris Aquino mataas nga ang IQ pero pinapagana o meron kayang EQ?

Long Mejia manyak!

Ewan ko ba kung bakit pero asar na asar talaga ko pag nakikita ko yan.Napakamanyak!ginagawang katatawanan ang mga kasalaulaan sa mga babae. Sa isang
tv program nga nya sa tv.5 naku po, Napakagarapal.Pogi mo naman kasi weh no. Ayoko sana manlait pero di ba ang sagwa tingnan?( haha ayan woh picture pa lang ) haha sa nabasa nga namen na isang akda ,si tiyo budong haha pangalang rapist. Haist, Isa pa alam mo? kung ikaw man ay isang artista aba kelangan ingat na ingat ka, Pero kung sisirain mo dangal mo para magpatawa lamang, haha sino mas nakakatawa? di ba ikaw din ? pero magaling ka naman magpatawa talagang sabihin naten makataob tumbong ka na pero ang akin lang wag masyado manyak hah.Pero idol kita.

isinulat ni: Khevin V. Catap

Monday, August 16, 2010

"artista-artista "artista ka ba ?

Si Rufa Mae Quinto kilala nating bilang isang komedyante, actress at host. Ang kinaiinis ko lang sa kanya yung mga bagay na ginagawa nya na hindi na nakakatuwa, alam naman natin na komedyante siya kaya sya nagpapatawa pero minsan corny na yung mga joke at reaction niya tulad ng “to the highest level” at ”todo na to” naiins talaga ko pagnariring ko yung mga salita na yun ang corny-corny tapos minsan nasosobrahan na yung mga nasasabi niya, kaya minsan nakakasait na pala siya ng tao ng hindi niya alam kahit dinadaan niya pa ito sa biro. Ang isa ko pang kinaiinis sa kanya ay yung pagsusuot niya ng maiiksi, minsan sa sobrang iksi na nito ay parang wala na siyang gusto na itago sa kanyang katawan. Oo alam natin na makinis yung balat niya at maputi pero hindi naman niya dapat ito ipangalandakan pa sa mga tao, sa pamamagitan ng pagsuot ng mga maiiksing damit at short. Hndi naman sa kinukotra o yung fashion ni Rufa Mae ang sakin lang kung magsusuot siya ng mga ganung kabongga na mga damit dapat nasa lugar. Halimbawa na lang ng pagsuot niya ng maiksi na short dapat nasa lugar at panahon. Kasi hindi natin alam yung ibang tao pala binabastos na siya ng hindi niya alam. Kahit minsan naiinis ako kay RUFA MAE QUINTO concern pa rin ako sa kanya o nag-aalala pa rin ako sa kanya bilang isang kapwa tao.

Isinulat ni: Arienda, Jane Q.

Angel Locsin grrrrr!! (Mukang pera)

Kinaiinisan ko talaga yang Angel Locsin na yan! Mula nung lumipat sya sa Kapamilya, dahil daw sa malaking offer na pera.

Dating Kapuso si Angel locin, isa sya sa mga maningning na artista noon. Inalagaan sya ng GMA mula ng nagging Kapuso sya. Di sya maubusan ng mga project. Pinasikat sya ng bongga!

Pero anu ang ginawa nya!? Biglaan syan lumipat sa channel 2, dahil di umano sa malaking offer na sinang-ayunan ng manager nya. Ang kapal ng mukha nya! Dah! Pagkatapos ng lahat iiwan nya ang channel 7! (diba muka talagang Pera!) kaimbiena! Eto pa balita! Di pala alam ng 7 ang pag-alis ni poker face. Para makaiwas sa mga paparazzi ang merlat, todo lipad papunta sa ibang bansa. Pero yun ang akala nya na ambush interview sya, ang merlat nagmaasim! Super dedma.


Lalo pa akong nainis sa babaing yan nang malaman kong crush sya ng titser ko nung 3rd year. May hidden desire pa naman ako kay sir, tapos malalaan ko na crush nya yung mukang perang yun!

Sabi ni sir “Makita ko lang si angel napaka saya ko na” hmmmm nainis ako dun, kea di ko makalimutan yung sinabi nya. Sa dami pa namang babaeng artista, eh Angel locsin pa ang napusuan nung gwapu kong titser.

Sayang talaga ang career ni Angel Locsin nung nasa channel 7 pa sya. Anu ngayon ang nangyari sa kanyan? Pagkatapos ng Lobo wala na! Pacomecomercial nalang sya hahahaha buti nga, napapala ng mukang pera! De sana walang Marian Rivera, sya dapat ang gumanap kay marimar, darna, dyesibel, at jenny. Kawawa naman sya. Hmmm sabi nga “Di na maibabalik ang nakaraan” gudluck nalang sa kanyan! Sana maging masaya sya. Magsisi man sya, huli na.!


-isinulat ni RUPERT GALANG

Friday, August 13, 2010

Hayden kho.Doktor na direktor pa!!!!!!!!!!!

Taon na nga ang lumipas ng umalingawngaw ang kababuyang nagpaingay sa sambayanan. Hayden kho at Katrina Halli scandal. Sinasabi na pareho daw silang naka-gamit ng drugs nun. Kung ikaw ang tatanungin.matutuwa ka ba na ang isang may delikadesang tao, nirerespeto ng lipunan ay gagawa ng ganitong kaimoralan?Isang taong labingdalawang taong hinasa  ng paaralan ay ganito ang gagawin sa kababaihan? Kaya ang bayan ay tila nagkaisa, mayron pa nga di ba , sa paglilitis nya binusan sya ng tubig? Hanga ako sa taong yon c abner Afuang... Hay Hayden, nasaan ang pinag-aralan mo? . Kaw ba naman may Dra.vicky belo na gusto pa tumikim ng iba, bakit??amoy lupa na ba sya??.hehe. di na ba makuha sa paturok turok??.kaso hanga ako sau,Katrina Halili yon Weh , Lalaki din ako. Pero alam ko ang salitang "RESPETO"!!!!!!!!!!!!!!!!!!!.

  Sa panulat ni. Khevin V. Catap.(pinuno ng pangkat 7 )

Asar ka!! Badtrip ka eh!!

       Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagkukuwento ko tungkol sa kinaiinisan kong artista. Eh kasi iniisip ko pa lang ang pangalan niya ay na aasar na ako hahaha!! buwiset!! Ang tinutukoy kong artista ay walang iba kundi si Baron Geisler. Asar na asar ako sa mga katulad niya. Sobra kasing bastos niya at my pag ka ignorante pa. Kay kadalasang nakakasakit na siya ng damdamin ng ibang tao lalo na ang damdamin ng mga kababaihan. Patunay na dito ang mga babaing ng sampa ng kaso laban sa kanya. Kabilang dito sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete at ang anak ni Yayo Aguila na si Patricia Aguila. Ayon sa interview kay Yasmien ng isang reporte ay hinipuan siya nito habang sila ay kasalukuyang ng shoshoot ng kanilang teleserye. Sabi naman ni Julia Clarete ay binastos daw siya nito habang sila ay nasa isang party. Kahit na magkaibigan sila ay nagawa pa rin nitong bastusin ang naturang aktres.Hindi rin siya nakatakas sa pag sasampa ng kaso ni Patricia dahil ayon dito dy hinipuan daw siya nito sa isang bar dahil daw ito sa sobrang kalasingan ni Baron. Eto pa pala ang isa niya pang ugali na kinaiinisan ko. Sobra siyang uminom ng alak at nawawalan na siya ng kontrol sa sarili niya. Madalas din siyang masangkot sa mga brawl fighting. katunayan dito ang dalawang paklat sa kanyang mukha na nakuha niya sa pakikipag away.
       Pero sa kabila nito ay madai pa rin namang sumusoporta sa kanya. marami pa din siyang mga project. humahanga din sa kanya dahil sa magaling niyang pagbibigay buhay sa mga karakter sa ilang teleserye. Na bigyan niya din ng magandang interpritasyon ang kanyang karakter sa isang independent film. Nag kamit siya dito ng parangal bilang "best actor" ng 4th Cinemalaya Independent Film Festival. 

  • Isinulat ni: Ramos, Angelo T.

Thursday, August 12, 2010

Grrr.. WILLIE hindi nakakawili

       Maraming Naiinis kay Willie Revillame. Simpe lang, dahil sya ay isang arogante, mayabang, manyakis, walang modo, pabida, hari-harian, babaero at marami pang iba. Kinakainisan din sya sa mga salitang lumalabas sa bibig nya na walang kakwenta-kwenta. At isa pa sa mga bagay na hindi na dapat nyang gawin sa harap ng telebisyon kung saan maraming tao.


      Maraming Pilipino ang galit at naiinis sa kanya. Isa sa mga dahilan nito noon pang panahon ng paglilipat ng mga labi ni Pang. Corazon Aquino. Ipinatangal nya yung coverage ng istasyon sa kanyang show na wowowee. Sa kadahilanang hindi nya raw kayang magsaya habang nakikita sa pag lilipat ng mga labi  ang pangulo. Kung ipapakita pa daw iyon mas mabuti pang yun nalang ang ipalabas. Hindi daw dapat ito ipakita ayon sa kanya habang nag sasaya dahil hindi daw ito tama. Marahil ganon na nga ang kanyang nararamdaman. NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT hindi tama ang kanyang paraan ng pag papahayag nito. Hindi ba't arogante, mapag mataas at mayabang dahil wala raw syang kinatatakutan at para sakanya tama daw ang sinabi nya.TOTOO lang raw sya.
        Isa syang MARAHAS. Hindi nararapat ang mga sinasabi nya sa harap ng kamera at ng buong mundo. Hindi nya dapat gamitin ang mikropono sa mga bagay na hindi na dapat. At utusan ang tagapamahala ng ganun na lamang. Hindi na din tama ang pagtira at paninira nya sa ibang istasyon para sa kanyang pansariling intensyon. At isa pa ang panlalait nya sa mga tao sa show nya.HINDI NA MAKATAO.
       Isa rin sa mga dahilan ang mga issue tungkol sa mga babae nya. Masyado syang babaero at manyakis, ultimo mga dancer sa wowoweeay pinag iinteresan pa. Ganun dein ang kababauhan na lumalahok sa kanyang programa. may mababalita pang mga GIRL FRIENDS nya na mas bata pa sakanya. MY GOODNESS!!!
        SA DAMI NYANG PERA? HINDI BA KAYO NAGTATAKA KUNG SAAN NYA ITO NAKUKUHA? Ang laki ng kanyang talent fee. May mga bulong- bulungan pa daw na pera ni willie ang ginagamit sapapremyo. Sinong hangal ang maniniwala nun? Maaaring oo, MINSAN.. hindi madalas, at hindi kabawasan sa BILYONG- BILYON  nyan kayamanan. Pakitang tao, PLASTIC SYA..
       NGUNIT.. Wag mag alala.. Marami pa naman nag mamahal sakanya. Nakakatuwa rin  naman ang kanyang mag kanta, sapul ang puso ng maga manonood at napapasaya. Wag lang sabayan ng lipsing ito..  PACUTE pa. Ganun paman  marami pa rin syang napapasaya at marami pang patuloy na sumasaya sa tuwing mag hohost sya.
      Sanay maging isa na syang mabutin PILIPINO na mamahlin ng bawat PILIPINO. At isipin na hindi lahat ng maaari nyang magawa sa pagka tanyag sa larangan ng industriya ay tama na at nararapat na.


  •  Isinulat ni VILLEGAS, MAUREEN C.